-
2 Hari 3:24, 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
24 Pagdating nila sa kampo ng Israel, umatake ang mga Israelita at sinimulan nilang pabagsakin ang mga Moabita, na tumakas sa kanila.+ Pumasok sila sa Moab at patuloy na pinabagsak ang mga Moabita habang sumasalakay sila. 25 Giniba nila ang mga lunsod, at bawat isa sa kanila ay naghagis ng bato sa bawat matabang lupa, at napuno iyon ng bato; sinarhan nila ang bawat bukal+ at pinutol ang bawat mabuting puno.+ Ang mga pader lang ng Kir-hareset+ ang naiwang nakatayo, at pinalibutan ng mga tagapaghilagpos ang lunsod at pinabagsak ito.
-