-
Jeremias 6:13, 14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 “Dahil mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila sa kanila, bawat isa ay di-tapat at sakim sa pakinabang;+
Mula sa propeta hanggang sa saserdote, bawat isa ay nandaraya.+
14 At sinisikap nilang pagalingin ang sugat* ng bayan ko sa basta pagsasabing
‘May kapayapaan! May kapayapaan!’
Kahit wala namang kapayapaan.+
-
-
Jeremias 23:16, 17Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo:
“Huwag ninyong pakinggan ang sinasabi ng mga propeta na nanghuhula sa inyo.+
Nililinlang* nila kayo.
17 Paulit-ulit nilang sinasabi sa mga lumalapastangan sa akin,
‘Sinabi ni Jehova: “Magkakaroon kayo ng kapayapaan.”’+
At sa lahat ng sumusunod sa sarili nilang mapagmatigas na puso ay sinasabi nila,
‘Hindi kayo mapapahamak.’+
-