-
Josue 23:6, 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 “Ngayon ay lakasan ninyo ang inyong loob at magpakatatag kayo. Gawin ninyo ang lahat ng nakasulat sa aklat ng Kautusan+ ni Moises at huwag kayong lumihis doon.*+ 7 Huwag kayong makikisalamuha sa mga bansang ito+ na naninirahan pang kasama ninyo. Huwag man lang ninyong babanggitin ang pangalan ng mga diyos nila,+ huwag kayong susumpa sa pamamagitan ng mga ito, at huwag kayong maglilingkod o yuyukod sa mga ito.+
-
-
Jeremias 12:16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 “At kung matututuhan nilang mabuti ang mga daan ng aking bayan at mananata sila sa pangalan ko, ‘Kung paanong buháy si Jehova!’ kung paanong tinuruan nila ang bayan ko na manata sa ngalan ni Baal, sila ay mapapabilang sa bayan ko.
-
-
Zefanias 1:4, 5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
4 “Iuunat ko ang kamay ko laban sa Juda
At laban sa lahat ng taga-Jerusalem,
At papawiin ko mula sa lugar na ito ang lahat ng bakas ni Baal,+
Ang pangalan ng mga saserdote ng huwad na diyos, pati na ang mga saserdote,+
5 At ang mga nasa bubong na yumuyukod sa hukbo ng langit,+
At ang mga yumuyukod at nangangako ng katapatan kay Jehova+
Samantalang nangangako ng katapatan kay Malcam;+
-