-
2 Hari 24:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
11 Pumunta sa lunsod si Haring Nabucodonosor ng Babilonya habang ang mga lingkod niya ay nakapalibot sa lunsod.
-
-
2 Hari 25:13-15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 At pinagputol-putol ng mga Caldeo ang mga haliging tanso+ sa bahay ni Jehova at ang mga patungang de-gulong+ at ang malaking tipunan ng tubig+ na yari sa tanso na nasa bahay ni Jehova, at dinala nila sa Babilonya ang mga tanso.+ 14 Kinuha rin nila ang mga lalagyan ng abo, mga pala, mga pamatay ng apoy, mga kopa, at ang lahat ng kagamitang tanso na ginagamit sa paglilingkod sa templo. 15 Kinuha ng pinuno ng mga bantay ang mga lalagyan ng baga* at ang mga mangkok na yari sa tunay na ginto+ at pilak.+
-