8 Si Jehoiakin+ ay 18 taóng gulang nang maging hari, at namahala siya nang tatlong buwan sa Jerusalem.+ Ang kaniyang ina ay si Nehusta na anak ni Elnatan ng Jerusalem.
27 At nang ika-37 taon ng pagkatapon ni Haring Jehoiakin+ ng Juda, noong ika-27 araw ng ika-12 buwan, si Haring Jehoiakin ng Juda ay pinalaya ni Haring Evil-merodac ng Babilonya noong taóng maging hari ito.+
37At si Haring Zedekias+ na anak ni Josias ay nagsimulang mamahala kapalit ni Conias*+ na anak ni Jehoiakim, dahil inilagay siya ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya bilang hari sa lupain ng Juda.+