12 “Gayunpaman,” ang sabi ni Jehova, “manumbalik kayo ngayon sa akin nang buong puso,+
At mag-ayuno kayo,+ tumangis, at humagulgol.
13 Punitin ninyo, hindi ang mga damit ninyo,+ kundi ang puso ninyo,+
At manumbalik kayo sa Diyos ninyong si Jehova,
Dahil siya ay mapagmalasakit at maawain, hindi madaling magalit+ at sagana sa tapat na pag-ibig,+
At pag-iisipan niyang muli ang pagpapasapit ng kapahamakan.
14 Sino ang nakaaalam kung magbabago siya ng isip at pag-iisipan niyang muli ang desisyon niya+
At bigyan kayo ng pagpapala,
Para makapag-alay kayo ng handog na mga butil at handog na inumin sa Diyos ninyong si Jehova?