-
Jeremias 22:24, 25Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
24 “‘Isinusumpa ko, kung paanong buháy ako,’ ang sabi ni Jehova, ‘kahit ikaw pa, Conias,*+ na anak ni Jehoiakim+ at hari ng Juda, ang singsing na pantatak sa kanang kamay ko, tatanggalin pa rin kita! 25 Ibibigay kita sa kamay ng mga gustong pumatay sa iyo, sa kamay ng mga kinatatakutan mo, sa kamay ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, at sa kamay ng mga Caldeo.+
-
-
Jeremias 52:31, 32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
31 At nang ika-37 taon ng pagkatapon ni Haring Jehoiakin+ ng Juda, noong ika-25 araw ng ika-12 buwan, si Haring Jehoiakin ng Juda ay pinalaya ni Haring Evil-merodac ng Babilonya noong taóng maging hari ito at inilabas siya nito sa bilangguan.+ 32 Naging mabait ito sa kaniya at ginawa nitong mas mataas ang trono niya kaysa sa mga trono ng iba pang mga hari na kasama niya sa Babilonya.
-