-
Jeremias 52:24-27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
24 Kinuha rin ng pinuno ng mga bantay ang punong saserdote na si Seraias,+ ang pangalawang saserdote na si Zefanias,+ at ang tatlong bantay sa pinto.+ 25 At kinuha niya sa lunsod ang isang opisyal ng palasyo na namamahala sa mga sundalo, ang pitong tagapayong malapít sa hari na nakita sa lunsod, pati ang kalihim ng pinuno ng hukbo, na tagatipon sa mga tao, at ang 60 karaniwang tao na nasa lunsod pa. 26 Kinuha sila ni Nebuzaradan na pinuno ng mga bantay at dinala sila sa hari ng Babilonya sa Ribla. 27 Pinatay sila ng hari ng Babilonya sa Ribla+ sa lupain ng Hamat. Sa gayon, napalayas ang mga taga-Juda mula sa lupain nila at naipatapon.+
-