-
Isaias 13:11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
Wawakasan ko ang kayabangan ng mga pangahas,
At aalisin ko ang kahambugan ng malulupit.+
-
-
Jeremias 27:6, 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 At ngayon ay ibinibigay ko ang lahat ng lupaing ito sa kamay ng lingkod kong si Haring Nabucodonosor+ ng Babilonya; maging ang mga hayop sa parang ay ibinibigay ko para maglingkod sa kaniya. 7 Ang lahat ng bansa ay maglilingkod sa kaniya, sa anak niya, at sa apo niya hanggang sa dumating ang panahon ng sarili niyang lupain,+ kung kailan maraming bansa at dakilang hari ang mang-aalipin sa kaniya.’+
-
-
Jeremias 50:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
50 Ang salita na sinabi ni Jehova tungkol sa Babilonya,+ tungkol sa lupain ng mga Caldeo, sa pamamagitan ng propetang si Jeremias:
2 “Sabihin ninyo iyon sa gitna ng mga bansa at ipahayag ninyo.
Maglagay kayo ng isang palatandaan* at ipahayag ninyo iyon.
Huwag kayong maglihim ng anuman!
Sabihin ninyo, ‘Ang Babilonya ay nabihag.+
Si Bel ay napahiya.+
Si Merodac ay natakot.
Napahiya ang mga imahen niya.
Ang kasuklam-suklam na mga idolo* niya ay natakot.’
-