-
Isaias 6:1, 2Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 Noong taóng mamatay si Haring Uzias,+ nakita ko si Jehova na nakaupo sa isang matayog at mataas na trono,+ at pinupuno ng laylayan niya ang templo. 2 May mga serapin na nakatayo sa itaas niya; bawat isa ay may anim na pakpak: dalawa ang nakatakip sa mukha, dalawa ang nakatakip sa mga paa, at dalawa ang ginagamit sa paglipad.
-
-
Apocalipsis 4:2, 3Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 Pagkatapos nito ay agad na sumaakin ang espiritu ng Diyos, at nakita ko ang isang trono na nasa puwesto nito sa langit, at may isang nakaupo sa trono.+ 3 At ang nakaupo ay kumikinang na gaya ng batong jaspe+ at ng batong sardio,* at sa palibot ng trono ay may isang bahagharing kumikinang na gaya ng esmeralda.+
-