-
Ezra 9:6, 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 At sinabi ko: “O Diyos ko, nahihiya ako at hindi ako makaharap sa iyo, O Diyos ko, dahil ang mga pagkakamali namin ay lampas na sa aming ulo at ang kasalanan namin ay umabot na sa langit.+ 7 Mula nang panahon ng mga ninuno namin hanggang ngayon, napakalaki na ng kasalanan namin;+ at dahil sa mga pagkakamali namin, kami, ang aming mga hari, at ang aming mga saserdote, ay ibinigay sa kamay ng mga hari ng ibang bansa, pinatay sa pamamagitan ng espada,+ binihag,+ ninakawan,+ at hiniya, gaya ng nangyayari ngayon.+
-