-
Daniel 2:34, 35Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
34 Habang nakatingin ka rito, isang bato ang natibag, pero hindi sa pamamagitan ng kamay, at tumama ito sa mga paa ng imahen na gawa sa bakal at putik at nadurog ang mga iyon.+ 35 Nang pagkakataong iyon, sama-samang nadurog ang bakal, putik, tanso, pilak, at ginto at naging gaya ng ipa sa giikan kapag tag-araw, at tinangay ito ng hangin kaya wala nang natirang bakas nito. Pero ang bato na tumama sa imahen ay naging isang malaking bundok, at napuno nito ang buong lupa.
-