-
1 Cronica 28:9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 “At ikaw, anak kong Solomon, kilalanin mo ang Diyos ng iyong ama at maglingkod ka sa kaniya nang buong puso+ at may kagalakan,* dahil sinusuri ni Jehova ang lahat ng puso,+ at nalalaman niya ang takbo ng pag-iisip ng bawat isa.+ Kung hahanapin mo siya, hahayaan niyang makita mo siya,+ pero kung iiwan mo siya, itatakwil ka niya magpakailanman.+
-
-
Jeremias 17:27Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
27 “‘“Pero kung hindi ninyo susundin ang utos ko na panatilihing banal ang araw ng Sabbath at na huwag magdala at magpasok ng anuman sa mga pintuang-daan ng Jerusalem sa araw ng Sabbath, sisilaban ko ang mga pintuang-daan niya, at tiyak na lalamunin ng apoy ang matitibay na tore ng Jerusalem+ at hindi ito mapapatay.”’”+
-
-
Jeremias 52:12-14Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 Noong ika-10 araw ng ikalimang buwan, nang ika-19 na taon ni Haring Nabucodonosor* ng Babilonya, pumasok sa Jerusalem si Nebuzaradan na pinuno ng mga bantay at isang lingkod ng hari ng Babilonya.+ 13 Sinunog niya ang bahay ni Jehova,+ ang bahay* ng hari, at ang lahat ng bahay sa Jerusalem; sinunog din niya ang lahat ng malalaking bahay. 14 At ang mga pader sa palibot ng Jerusalem ay giniba ng buong hukbo ng mga Caldeo na kasama ng pinuno ng mga bantay.+
-