-
Amos 1:13-15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Ito ang sinabi ni Jehova,
‘“Dahil sa tatlong ulit na paghihimagsik ng mga Ammonita,+ at dahil sa apat, ay hindi ko iyon iuurong,
Dahil nilaslas nila ang tiyan ng mga buntis sa Gilead para palakihin ang sarili nilang teritoryo.+
14 Kaya sisilaban ko ang pader ng Raba,+
At tutupukin nito ang kaniyang matitibay na tore,
Na may hudyat ng labanan sa araw ng digmaan,
Na may unos sa araw ng bagyo.
15 At ang hari nila ay ipatatapon kasama ang kaniyang matataas na opisyal,”+ ang sabi ni Jehova.’
-