-
Deuteronomio 13:6-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 “Kung palihim kang hikayatin ng kapatid mo o ng anak mong lalaki o babae o ng mahal mong asawa o ng pinakamatalik mong kaibigan* at sabihin niya, ‘Halika, at maglingkod tayo sa ibang mga diyos,’+ mga diyos na hindi mo kilala, pati ng mga ninuno mo, 7 mga diyos ng mga bayan sa palibot ninyo, malapit man o malayo sa inyo, mula sa alinmang bahagi ng lupain, 8 huwag kang magpapadala o makikinig sa kaniya;+ huwag kang magpapakita ng awa o mahahabag sa kaniya at huwag mo siyang poprotektahan; 9 sa halip, dapat mo siyang patayin.+ Ikaw dapat ang unang bumato sa kaniya para patayin siya; pagkatapos, babatuhin na rin siya ng buong bayan.+
-