-
Marcos 1:29-34Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
29 Pagkatapos, umalis sila sa sinagoga at pumunta sa bahay nina Simon at Andres kasama sina Santiago at Juan.+ 30 Ang biyenang babae ni Simon+ ay nakahiga at nilalagnat, at sinabi nila agad kay Jesus ang kalagayan niya. 31 Nilapitan siya ni Jesus, hinawakan sa kamay, at ibinangon. Nawala ang lagnat niya, at inasikaso niya sila.
32 Pagsapit ng gabi, nang lumubog na ang araw, dinala sa kaniya ng mga tao ang lahat ng maysakit at sinasaniban ng demonyo;+ 33 at ang mga tao sa buong lunsod ay natipon sa may pintuan ng bahay. 34 Kaya marami siyang pinagaling na may iba’t ibang sakit,+ at nagpalayas siya ng maraming demonyo,+ pero hindi niya hinahayaang magsalita ang mga demonyo, dahil alam nilang siya ang Kristo.+
-
-
Lucas 4:38-41Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
38 Pagkaalis niya sa sinagoga, pumunta siya sa bahay ni Simon. Mataas ang lagnat ng biyenang babae ni Simon, at hiniling nila sa kaniya na tulungan siya.+ 39 Kaya lumapit si Jesus kung saan siya nakahiga at pinababa* ang lagnat ng babae, at gumaling siya. Agad siyang bumangon at inasikaso sila.
40 Pero nang palubog na ang araw, dinala sa kaniya ng lahat ng tao ang mga kasama nila sa bahay na may sakit.* Pinagaling niya sila sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay niya sa bawat isa sa kanila.+ 41 Lumabas din ang mga demonyo mula sa maraming sinapian nila, at isinisigaw nila: “Ikaw ang Anak ng Diyos.”+ Pero sinasaway niya sila at hindi pinapahintulutang magsalita,+ dahil alam nilang siya ang Kristo.+
-