-
Jeremias 9:17, 18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
17 Ito ang sinabi ni Jehova ng mga hukbo,
‘Kumilos kayo nang may unawa.
-
-
Marcos 5:38-43Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
38 Kaya pumunta sila sa bahay ng punong opisyal ng sinagoga, at nakita niyang nagkakagulo ang mga tao at may mga umiiyak at humahagulgol nang malakas.+ 39 Pagpasok ni Jesus, sinabi niya sa kanila: “Bakit kayo umiiyak at nagkakagulo? Hindi namatay ang bata. Natutulog lang siya.”+ 40 At pinagtawanan siya ng mga tao. Matapos niyang palabasin silang lahat, isinama niya ang ama at ina ng bata at ang mga alagad niya sa kinaroroonan ng bata. 41 Hinawakan niya ang kamay ng bata at sinabi rito: “Talita kumi,” na kapag isinalin ay nangangahulugang “Dalagita, bumangon ka!”+ 42 At agad na bumangon ang dalagita at naglakad. (Siya ay 12 taóng gulang.) Nang makita ito ng mga magulang niya, nag-umapaw sa saya ang puso nila. 43 Pero paulit-ulit* silang pinagbilinan ni Jesus na huwag itong sabihin kahit kanino,+ at sinabi niyang bigyan ang bata ng makakain.
-
-
Lucas 8:52-56Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
52 Umiiyak ang lahat at sinusuntok ang dibdib nila sa pamimighati. Kaya sinabi niya: “Huwag na kayong umiyak,+ dahil hindi siya namatay. Natutulog lang siya.”+ 53 Pinagtawanan siya ng mga tao dahil alam nilang patay na ang bata. 54 Pero hinawakan niya ang kamay ng bata at sinabi: “Anak, bumangon* ka!”+ 55 At nabuhay siyang muli,+ at agad siyang bumangon,+ at iniutos ni Jesus na bigyan siya ng pagkain. 56 Samantala, nag-uumapaw sa saya ang mga magulang niya, pero inutusan niya silang huwag sabihin sa iba ang nangyari.+
-