-
Lucas 10:6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 At kung may isang kaibigan ng kapayapaan na naroon, mapapasakaniya ang inyong kapayapaan. Pero kung wala, babalik ito sa inyo.
-
-
Gawa 13:50, 51Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
50 Pero sinulsulan ng mga Judio ang debotong mga babae na kilala sa lipunan at ang mga prominenteng lalaki sa lunsod, kaya pinag-usig+ sina Pablo at Bernabe at itinapon sila sa labas ng hangganan. 51 At ipinagpag nila ang alikabok mula sa mga paa nila bilang patotoo laban sa mga ito, at pumunta sila sa Iconio.+
-
-
Gawa 18:5, 6Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 Nang makarating sina Silas+ at Timoteo+ mula sa Macedonia, naging abalang-abala si Pablo sa pangangaral ng salita para patunayan sa mga Judio na si Jesus ang Kristo.+ 6 Pero dahil patuloy nila siyang kinokontra at pinagsasalitaan nang may pang-aabuso, pinagpag niya ang damit niya+ at sinabi sa kanila: “Kasalanan ninyo anuman ang mangyari sa inyo.+ Ako ay malinis.+ Ngayon, pupunta na ako sa mga tao ng ibang mga bansa.”+
-