42 Narito ang aking lingkod+ na sinusuportahan ko!
Ang pinili ko,+ na kinalulugdan ko!+
Ibinigay ko sa kaniya ang aking espiritu;+
Magdadala siya ng katarungan sa mga bansa.+
2 Hindi siya sisigaw o maglalakas ng kaniyang tinig,
At hindi niya iparirinig sa lansangan ang tinig niya.+
3 Hindi niya babaliin ang lamog na tambo,
At hindi niya papatayin ang aandap-andap na mitsa.+
Talagang magdadala siya ng katarungan.+
4 Hindi siya manghihina o masisiraan ng loob hanggang sa mapairal niya ang katarungan sa lupa;+
At ang mga isla ay patuloy na naghihintay sa kautusan niya.