-
Marcos 12:18-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 Ang mga Saduceo, na nagsasabing walang pagkabuhay-muli,+ ay lumapit sa kaniya at nagtanong:+ 19 “Guro, isinulat ni Moises na kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang asawa niya, pakakasalan ito ng kapatid niyang lalaki para magkaroon ng anak ang namatay na kapatid.+ 20 May pitong magkakapatid na lalaki. Ang una ay nag-asawa pero namatay nang walang anak. 21 Pinakasalan ng ikalawa ang biyuda, pero namatay ang lalaki nang walang anak, at ganoon din ang nangyari sa ikatlo. 22 At namatay ang pito nang walang anak. Bandang huli, namatay rin ang babae. 23 Dahil napangasawa niya ang pitong magkakapatid, sino sa kanila ang magiging asawa niya kapag binuhay silang muli?”
-
-
Lucas 20:27-33Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
27 Pero ang ilan sa mga Saduceo, na nagsasabing walang pagkabuhay-muli,+ ay lumapit sa kaniya at nagtanong:+ 28 “Guro, isinulat ni Moises, ‘Kung mamatay ang isang lalaki nang walang anak, ang asawa niya ay pakakasalan ng kapatid niyang lalaki para magkaroon ng anak ang namatay na kapatid.’+ 29 Ngayon, may pitong magkakapatid na lalaki. Ang una ay nag-asawa pero namatay nang walang anak. 30 Kaya ang babae ay pinakasalan ng ikalawa 31 at ng ikatlo, hanggang sa naging asawa niya ang pitong magkakapatid; namatay silang lahat nang walang anak. 32 Pagkatapos, namatay rin ang babae. 33 Kung gayon, dahil napangasawa niya ang pitong magkakapatid, sino sa kanila ang magiging asawa niya kapag binuhay silang muli?”
-