-
Juan 8:59Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
59 Kaya dumampot sila ng bato para batuhin siya, pero nagtago si Jesus at lumabas sa templo.
-
-
1 Tesalonica 2:14-16Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 Tinularan ninyo, mga kapatid, ang mga kongregasyon ng Diyos sa Judea na kaisa ni Kristo Jesus, dahil ang mga pinagdusahan ninyo sa kamay ng mga kababayan ninyo+ ay katulad ng mga pinagdurusahan nila sa kamay ng mga Judio, 15 na pumatay pa nga sa Panginoong Jesus+ at sa mga propeta at umusig sa amin.+ Bukod diyan, ang ginagawa nila ay hindi nakalulugod sa Diyos at hindi nakakabuti sa sinuman; 16 pinagsisikapan nilang hadlangan ang pakikipag-usap namin* sa mga tao ng ibang mga bansa, ang gawaing magliligtas sa mga ito.+ Kaya patuloy na nadaragdagan ang mga kasalanan nila. Pero tiyak na matitikman nila* ang poot ng Diyos.+
-
-
Hebreo 11:32Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
32 Magpapatuloy pa ba ako? Kukulangin ako ng oras kung ilalahad ko pa ang tungkol kina Gideon, Barak, Samson, Jepte, David, pati ang kay Samuel at sa iba pang propeta.
-
-
Hebreo 11:37Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
37 Sila ay binato, sila ay sinubok, sila ay hinati ng lagari, sila ay pinatay sa pamamagitan ng espada, sila ay nagpagala-gala na nakasuot ng balat ng tupa, ng balat ng kambing, samantalang sila ay kapos, nahihirapan, pinagmamalupitan;
-