-
Mateo 13:54-58Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
54 Pagdating niya sa sarili niyang bayan,+ tinuruan niya sila sa kanilang sinagoga, at namangha sila at sinabi nila: “Saan nakuha ng taong ito ang ganitong karunungan at ang kakayahan niyang gumawa ng mga himala?*+ 55 Hindi ba ito ang anak ng karpintero?+ Hindi ba si Maria ang kaniyang ina, at ang mga kapatid niya ay sina Santiago, Jose, Simon, at Hudas?+ 56 At hindi ba tagarito rin ang lahat ng kapatid niyang babae? Saan niya kinuha ang lahat ng kakayahan niya?”+ 57 Kaya hindi sila naniwala sa kaniya.+ Pero sinabi ni Jesus sa kanila: “Ang propeta ay pinahahalagahan kahit saan maliban sa sarili niyang bayan at sa sarili niyang sambahayan.”+ 58 At kaunti lang ang ginawa niyang himala* roon dahil hindi sila nananampalataya.
-