-
Mateo 14:6-12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 Nang ipinagdiriwang ang kaarawan ni Herodes,+ sumayaw ang anak na babae ni Herodias at tuwang-tuwa si Herodes,+ 7 kaya sumumpa siyang ibibigay rito ang anumang hingin nito. 8 Ayon sa idinikta ng ina, sinabi ng dalaga: “Ibigay ninyo sa akin ngayon sa isang bandehado ang ulo ni Juan Bautista.”+ 9 Nalungkot ang hari, pero dahil sa sumpang binitiwan niya sa harap ng mga bisita,* iniutos niyang ibigay iyon. 10 Kaya nagsugo siya ng sundalo at pinapugutan ng ulo si Juan sa bilangguan. 11 At ang ulo ni Juan ay inilagay sa isang bandehado at ibinigay sa dalaga, at dinala niya ito sa kaniyang ina. 12 Di-nagtagal, dumating ang mga alagad ni Juan at kinuha ang bangkay niya at inilibing ito; pagkatapos, pumunta sila kay Jesus para sabihin ang nangyari.
-