-
Mateo 19:16-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
16 Pagkatapos, may lalaking lumapit sa kaniya at nagsabi: “Guro, anong kabutihan ang dapat kong gawin para magkaroon ako ng buhay na walang hanggan?”+ 17 Sinabi ni Jesus: “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? May Isa lang na mabuti.+ Pero kung gusto mong tumanggap ng buhay, patuloy mong sundin ang mga utos.”+ 18 Sinabi sa kaniya ng lalaki: “Aling mga utos?” Sinabi ni Jesus: “Huwag kang papatay,+ huwag kang mangangalunya,+ huwag kang magnanakaw,+ huwag kang tetestigo nang may kasinungalingan,+ 19 parangalan* mo ang iyong ama at ina,+ at dapat mong mahalin ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.”+ 20 Sinabi sa kaniya ng lalaki: “Sinusunod ko ang lahat ng iyan; ano pa ang kailangan kong gawin?” 21 Sinabi ni Jesus sa kaniya: “Kung gusto mong maging perpekto, ipagbili mo ang mga pag-aari mo at ibigay mo sa mahihirap ang napagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit;+ pagkatapos, sumama ka sa akin, at maging tagasunod kita.”+ 22 Nang marinig ito ng lalaki, malungkot siyang umalis, dahil marami siyang pag-aari.+
-
-
Lucas 18:18-23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 At isang tagapamahala ang nagtanong sa kaniya: “Mabuting Guro, ano ang dapat kong gawin para tumanggap* ng buhay na walang hanggan?”+ 19 Sinabi ni Jesus: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Isa lang ang mabuti, ang Diyos.+ 20 Alam mo ang mga utos: ‘Huwag kang mangangalunya,+ huwag kang papatay,+ huwag kang magnanakaw,+ huwag kang tetestigo nang may kasinungalingan,+ parangalan* mo ang iyong ama at ina.’”+ 21 Sinabi niya: “Sinusunod ko ang lahat ng iyan mula pa sa pagkabata.” 22 Pagkarinig nito, sinabi ni Jesus, “May isa ka pang kailangang gawin: Ipagbili mo ang lahat ng pag-aari mo at ibigay mo sa mahihirap ang napagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit; pagkatapos, sumama ka sa akin, at maging tagasunod kita.”+ 23 Nang marinig ito ng tagapamahala, lungkot na lungkot siya, dahil napakayaman niya.+
-