-
Mateo 22:15-22Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
15 Pagkatapos, ang mga Pariseo ay umalis at nagsabuwatan para hulihin siya sa pananalita niya.+ 16 Kaya isinugo nila sa kaniya ang mga tagasunod nila, kasama ang mga tagasuporta ni Herodes,+ para sabihin sa kaniya: “Guro, alam naming lagi kang nagsasabi ng totoo at itinuturo mo ang katotohanan tungkol sa Diyos, at hindi mo hinahangad ang pabor ng mga tao, dahil hindi ka tumitingin sa panlabas na anyo. 17 Kaya ano sa tingin mo? Tama bang magbayad ng buwis kay Cesar o hindi?” 18 Alam ni Jesus na masama ang motibo nila kaya sinabi niya: “Bakit ninyo ako sinusubok, mga mapagkunwari? 19 Ipakita ninyo sa akin ang baryang pambayad ng buwis.” Dinalhan nila siya ng isang denario. 20 Sinabi niya sa kanila: “Kaninong larawan at pangalan ito?” 21 Sinabi nila: “Kay Cesar.” Kaya sinabi niya sa kanila: “Kung gayon, ibayad ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar, pero sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.”+ 22 Nang marinig nila iyon, namangha sila. Umalis sila at iniwan na si Jesus.
-
-
Lucas 20:20-26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
20 At pagkatapos na maobserbahan siyang mabuti, palihim silang umupa ng mga taong magkukunwaring matuwid para hulihin siya sa pananalita niya+ at maibigay sa pamahalaan at sa gobernador.* 21 Tinanong nila siya at sinabi: “Guro, alam naming tama ang sinasabi at itinuturo mo at hindi ka nagtatangi, at itinuturo mo ang katotohanan tungkol sa Diyos: 22 Tama bang magbayad ng buwis kay Cesar o hindi?” 23 Pero nahalata niya ang masamang balak nila, kaya sinabi niya: 24 “Ipakita ninyo sa akin ang isang denario. Kaninong larawan at pangalan ang narito?” Sinabi nila: “Kay Cesar.” 25 Sinabi niya: “Kung gayon nga, ibayad ninyo kay Cesar ang mga bagay na kay Cesar,+ pero sa Diyos ang mga bagay na sa Diyos.”+ 26 Kaya hindi nila siya nahuli sa kaniyang pananalita sa harap ng mga tao. Sa halip, humanga sila sa sagot niya kaya napatahimik sila.
-