-
Mateo 26:2-5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 “Alam ninyo na dalawang araw na lang ay Paskuwa na,+ at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga kaaway para ibayubay sa tulos.”+
3 Pagkatapos, nagtipon ang mga punong saserdote at ang matatandang lalaki ng bayan sa looban ng bahay ng mataas na saserdote, na nagngangalang Caifas,+ 4 at nagsabuwatan sila+ para madakip si Jesus sa tusong* paraan at mapatay siya. 5 Pero sinasabi nila: “Huwag sa kapistahan. Baka magkagulo ang mga tao.”
-