2 Kaya kung gagawa ka ng mabuti sa mahihirap,+ huwag kang hihihip ng trumpeta, gaya ng ginagawa ng mga mapagkunwari sa mga sinagoga at kalye para purihin sila ng mga tao.+ Sinasabi ko sa inyo, iyon na ang buong gantimpala nila.
25 Pero sinabi ni Abraham, ‘Anak, alalahanin mo na puro magagandang bagay ang tinamasa mo sa buong buhay mo, at masasama naman ang dinanas ni Lazaro. Pero ngayon, pinagiginhawa siya rito at ikaw ay nahihirapan.+