-
Mateo 12:43-45Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
43 “Kapag ang isang masamang* espiritu ay lumabas sa isang tao, dumadaan siya sa tigang na mga lugar para maghanap ng mapagpapahingahan, at wala siyang nakikita.+ 44 Pagkatapos, sinasabi niya, ‘Babalik ako sa bahay na inalisan ko,’ at pagdating doon, nadaratnan niya itong bakante pero nawalisan at may dekorasyon. 45 Kaya bumabalik siya at nagsasama ng pitong iba pang espiritu na mas masama kaysa sa kaniya, at pagkapasok sa loob, naninirahan na sila roon; at lalong lumalala ang kalagayan ng taong iyon.+ Ganiyan din ang mangyayari sa napakasamang henerasyong ito.”
-