-
Mateo 24:48-51Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
48 “Pero kung masama ang aliping iyon at sabihin niya sa sarili, ‘Matatagalan pa ang panginoon ko,’+ 49 at bugbugin ang mga kapuwa niya alipin at kumain at uminom na kasama ng kilalang mga lasenggo, 50 ang panginoon ng aliping iyon ay darating sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam,+ 51 at paparusahan siya nang napakatindi at itatapon sa kinaroroonan ng mga mapagkunwari. Iiyak siya roon at magngangalit ang mga ngipin niya.+
-