-
Mateo 27:22-26Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
22 Sinabi sa kanila ni Pilato: “Ano naman ang gagawin ko kay Jesus na tinatawag na Kristo?” Sinabi nilang lahat: “Ibayubay siya sa tulos!”+ 23 Sinabi niya: “Bakit? Ano ba ang ginawa niyang masama?” Pero lalo nilang inilakas ang sigaw: “Ibayubay siya sa tulos!”+
24 Nang makita ni Pilato na hindi nakabuti ang ginawa niya kundi nagkagulo pa nga ang mga tao, kumuha siya ng tubig at naghugas ng kamay sa harap ng mga tao. Sinabi niya: “Wala akong kasalanan sa dugo ng taong ito.* Kayo na ang may pananagutan diyan.” 25 Kaya sumagot ang buong bayan: “Kami at ang mga anak namin ang may pananagutan sa dugo niya.”+ 26 Pagkatapos, pinalaya niya si Barabas, pero ipinahagupit niya si Jesus+ at ibinigay sa mga sundalo para ibayubay sa tulos.+
-
-
Marcos 15:12-15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 Muli, sumagot si Pilato sa kanila: “Ano naman ang gagawin ko sa tinatawag ninyong Hari ng mga Judio?”+ 13 Muli silang sumigaw: “Ibayubay* siya sa tulos!”+ 14 Pero sinabi pa sa kanila ni Pilato: “Bakit? Ano ba ang ginawa niyang masama?” Pero lalo nilang inilakas ang sigaw: “Ibayubay siya sa tulos!”+ 15 Para pagbigyan ang kagustuhan ng mga tao, pinalaya ni Pilato si Barabas; at pagkatapos maipahagupit si Jesus,+ ibinigay niya ito sa mga sundalo para ibayubay sa tulos.+
-