7 Bihirang mangyari na may handang mamatay para sa isang matuwid na tao; baka mayroon pa para sa isang mabuting tao. 8 Pero ipinakita* sa atin ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa ganitong paraan: Namatay si Kristo para sa atin habang makasalanan pa tayo.+
5Kaya tularan ninyo ang Diyos,+ bilang minamahal na mga anak, 2 at patuloy na magpakita ng pag-ibig,+ kung paanong inibig tayo ng Kristo+ at ibinigay ang sarili niya para sa atin bilang isang handog at hain,+ isang mabangong amoy sa Diyos.+
16 Naunawaan natin kung ano ang pag-ibig dahil ibinigay ng isang iyon ang buhay niya para sa atin,+ at pananagutan nating ibigay ang buhay natin para sa mga kapatid natin.+