-
Deuteronomio 21:22, 23Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
22 “Kung ang isang lalaki ay makagawa ng kasalanang nararapat sa kamatayan+ at patayin siya at ibitin sa tulos,+ 23 ang katawan niya ay hindi dapat manatili nang magdamag sa tulos.+ Siguraduhin ninyong mailibing siya sa araw na iyon, dahil ang taong ibinitin ay isinumpa ng Diyos,+ at hindi ninyo dapat parumihin ang lupaing ibinibigay sa inyo ng Diyos ninyong si Jehova bilang mana.+
-
-
Mateo 27:57-60Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
57 Nang dapit-hapon na, may dumating na isang taong mayaman mula sa Arimatea, na nagngangalang Jose at naging alagad din ni Jesus.+ 58 Ang taong ito ay pumunta kay Pilato at hiningi ang katawan ni Jesus.+ Kaya iniutos ni Pilato na ibigay iyon sa kaniya.+ 59 Kinuha ni Jose ang katawan, binalot iyon ng malinis at magandang klase ng lino,+ 60 at inilagay sa kaniyang bagong libingan,+ na inuka niya sa bato. At matapos igulong ang isang malaking bato sa pasukan ng libingan, umalis siya.
-
-
Marcos 15:43-46Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
43 dumating si Jose ng Arimatea, isang iginagalang na miyembro ng Sanggunian at naghihintay rin sa Kaharian ng Diyos. Naglakas-loob siyang pumunta kay Pilato at hiningi niya ang katawan ni Jesus.+ 44 Pero gustong malaman ni Pilato kung patay na nga siya, kaya ipinatawag niya ang opisyal ng hukbo at tinanong ito kung patay na si Jesus. 45 Nang matiyak niya ito sa opisyal ng hukbo, pinahintulutan niya si Jose na kunin ang katawan. 46 Pagkatapos bumili ni Jose ng magandang klase ng lino at ibaba ang katawan, binalot niya ito ng lino at inilagay sa isang libingan+ na inuka sa bato; at iginulong niya ang isang bato sa pasukan ng libingan.+
-