-
Gawa 4:29, 30Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
29 At ngayon, Jehova, bigyang-pansin mo ang mga banta nila, at tulungan mo ang iyong mga alipin na patuloy na ihayag ang iyong salita nang walang takot, 30 at patuloy mong gamitin ang iyong kapangyarihan para magpagaling at gumawa ng mga tanda at kamangha-manghang mga bagay+ sa pamamagitan ng pangalan ng iyong banal na lingkod na si Jesus.”+
-
-
Gawa 6:8Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
8 At si Esteban, na talagang kalugod-lugod sa Diyos at puspos ng kapangyarihan, ay nagsasagawa ng kamangha-manghang mga bagay at mga tanda sa gitna ng mga tao.
-
-
Gawa 15:12Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
12 Kaya natahimik ang buong grupo, at nakinig ang mga ito kina Bernabe at Pablo habang ikinukuwento nila ang maraming tanda at kamangha-manghang bagay na ginawa ng Diyos sa pamamagitan nila sa gitna ng ibang mga bansa.
-
-
Roma 15:18, 19Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
18 Wala akong ibang sasabihin maliban sa mga bagay na ginawa ni Kristo sa pamamagitan ko para maging masunurin ang ibang mga bansa. Naisagawa niya ito sa pamamagitan ng aking salita at gawa, 19 ng mga tanda at kamangha-manghang mga bagay,+ at ng kapangyarihan ng espiritu ng Diyos. At dahil dito, lubusan kong naipangaral sa Jerusalem ang mabuting balita tungkol sa Kristo+ at lumibot ako hanggang sa Ilirico.
-