-
Gawa 22:6-11Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
6 “Pero nang malapit na ako sa Damasco, bandang tanghali, biglang suminag sa akin ang isang nakasisilaw na liwanag mula sa langit,+ 7 at nabuwal ako at may narinig na tinig: ‘Saul, Saul, bakit mo ako inuusig?’ 8 Sinabi ko: ‘Sino ka, Panginoon?’ Sumagot siya: ‘Ako si Jesus na Nazareno, ang inuusig mo.’ 9 Nakita ng mga lalaking kasama ko ang liwanag, pero hindi nila naintindihan ang sinasabi ng tinig.+ 10 At sinabi ko: ‘Ano ang gagawin ko, Panginoon?’ Sinabi ng Panginoon: ‘Pumunta ka sa Damasco, at sasabihin sa iyo roon ang dapat mong gawin.’*+ 11 Pero hindi ako makakita dahil sa tindi ng liwanag na iyon, kaya inakay ako ng mga kasama ko hanggang makarating sa Damasco.
-
-
Gawa 26:13-18Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Pero nang katanghaliang-tapat, O hari, isang liwanag mula sa langit na mas maningning pa sa araw ang suminag sa akin at sa mga kasama ko sa paglalakbay.+ 14 At nang mabuwal kaming lahat, sinabi sa akin ng isang tinig sa wikang Hebreo: ‘Saul, Saul, bakit mo ako inuusig? Ikaw rin ang nahihirapan dahil sinisipa mo ang mga tungkod na panggabay.’ 15 Pero sinabi ko: ‘Sino ka, Panginoon?’ Sinabi ng Panginoon: ‘Ako si Jesus, ang inuusig mo. 16 Pero tumayo ka. Nagpakita ako sa iyo dahil pinipili kita bilang lingkod at bilang saksi ng mga bagay na nakita mo at makikita pa lang tungkol sa akin.+ 17 At ililigtas kita mula sa bayang ito at mula sa mga bansa, kung saan kita isusugo+ 18 para idilat ang mga mata+ nila, para palayain sila mula sa kadiliman+ tungo sa liwanag+ at mula sa awtoridad ni Satanas+ tungo sa Diyos, at sa gayon ay mapatawad ang mga kasalanan+ nila at tumanggap sila ng mana kasama ng mga pinabanal dahil sa pananampalataya nila sa akin.’
-