-
Genesis 39:7-9Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
7 At nagustuhan si Jose ng asawa ng kaniyang panginoon at sinabi nito: “Sipingan mo ako.” 8 Pero tumanggi siya at sinabi sa asawa ng kaniyang panginoon: “Hindi na inaalam ng panginoon ko kung ano ang pinamamahalaan ko sa bahay niya, at ipinagkatiwala na niya sa akin ang lahat ng pag-aari niya. 9 Walang nakahihigit sa akin sa bahay na ito, at wala siyang ipinagkait sa akin maliban sa iyo, dahil asawa ka niya. Kaya paano ko magagawa ang napakasamang bagay na ito at magkasala nga laban sa Diyos?”+
-
-
1 Corinto 6:9, 10Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
9 Hindi ba ninyo alam na ang mga di-matuwid ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos?+ Huwag kayong magpalinlang. Ang mga imoral,+ sumasamba sa idolo,+ mangangalunya,+ lalaking nagpapagamit sa kapuwa lalaki,+ lalaking nagsasagawa ng gawaing homoseksuwal,+ 10 magnanakaw, sakim,+ lasenggo,+ manlalait, at mangingikil+ ay hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos.+
-