13 Manghawakan ka sa pamantayan ng kapaki-pakinabang na mga salita+ na narinig mo sa akin habang nagpapakita ka ng pananampalataya at pag-ibig na resulta ng pagiging kaisa ni Kristo Jesus.
3 Dahil darating ang isang yugto ng panahon kung kailan hindi na nila tatanggapin ang kapaki-pakinabang na turo,+ kundi gaya ng gusto nila, papalibutan nila ang kanilang sarili ng mga guro na kikiliti sa mga tainga nila.+
7 Dahil bilang katiwala ng Diyos, ang isang tagapangasiwa ay dapat na malaya sa akusasyon, hindi arogante,+ hindi mainitin ang ulo,+ hindi lasenggo, hindi marahas, at hindi sakim sa pakinabang,+
9 at mahigpit na nanghahawakan sa mapananaligang mensahe pagdating sa kaniyang paraan ng pagtuturo,+ para magawa niyang magpatibay* sa pamamagitan ng kapaki-pakinabang* na turo+ at sumaway+ sa mga kumokontra dito.