-
1 Timoteo 3:2-7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
2 Kaya dapat na ang tagapangasiwa ay di-mapupulaan,+ asawa ng isang babae, may kontrol sa kaniyang paggawi, may matinong pag-iisip,+ maayos, mapagpatuloy,+ kuwalipikadong magturo,+ 3 hindi lasenggo,+ at hindi marahas, kundi makatuwiran,+ hindi palaaway,+ hindi maibigin sa pera,+ 4 isang lalaking namumuno* sa sarili niyang pamilya* sa mahusay na paraan, na may mga anak na masunurin at mabuti ang asal+ 5 (dahil kung hindi kayang mamuno* ng isang lalaki sa sarili niyang pamilya, paano niya aalagaan ang kongregasyon ng Diyos?), 6 at hindi bagong kumberte,+ dahil baka magmalaki siya at tumanggap ng hatol na katulad ng sa Diyablo. 7 Dapat na maganda rin ang reputasyon niya sa mga di-kapananampalataya*+ para hindi siya magdala ng kahihiyan at mahulog sa bitag ng Diyablo.
-