6 Ang hain at handog ay hindi mo ninais,+
Pero binuksan mo ang mga tainga ko para makarinig.+
Hindi ka humingi ng mga handog na sinusunog at mga handog para sa kasalanan.+
7 Pagkatapos ay sinabi ko: “Narito ako.
Iyon ang nakasulat sa balumbon tungkol sa akin.+
8 O aking Diyos, kaligayahan kong gawin ang kalooban mo,+
At ang kautusan mo ay nasa puso ko.+