-
Deuteronomio 24:14, 15Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
14 “Huwag mong dadayain ang isang gipit at mahirap na upahang trabahador sa lunsod* ninyo, siya man ay kapatid mo o dayuhang naninirahan sa inyong lupain.+ 15 Dapat mong ibigay ang sahod niya sa mismong araw na iyon,+ bago lumubog ang araw, dahil gipit siya at iyon ang inaasahan niya para mabuhay. Kung hindi mo iyon gagawin, daraing siya kay Jehova at magiging kasalanan mo iyon.+
-
-
Jeremias 22:13Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
13 Kaawa-awa ang nagtatayo ng bahay nang walang katuwiran
At ng mga silid sa itaas nang walang katarungan.
Pinagtatrabaho niya ang kapuwa niya nang walang kapalit;
Ayaw niyang ibigay ang suweldo nito;+
-
Malakias 3:5Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
5 “Darating ako para humatol sa inyo, at agad akong tetestigo laban sa mga mangkukulam,*+ laban sa mga mangangalunya, laban sa mga nananata nang may kasinungalingan,+ laban sa mga nandaraya sa mga upahang trabahador,+ biyuda, at batang walang ama,*+ at laban sa mga ayaw tumulong* sa mga dayuhan.+ Ang mga ito ay hindi natatakot sa akin,” ang sabi ni Jehova ng mga hukbo.
-
-
-