Jeremias
3 Itinatanong ng mga tao: “Kung paalisin ng isang lalaki ang asawa niya at umalis ito at maging asawa ng iba, puwede pa ba niya itong balikan?”
Hindi ba narumhan na ang lupaing iyon?+
“Ibinenta mo ang sarili mo sa maraming mangingibig,+
Pagkatapos ay babalik ka ngayon sa akin?” ang sabi ni Jehova.
2 “Tumingin ka sa tuktok ng mga burol.
Saang lugar ka pa hindi nagagahasa?
Umuupo ka sa tabi ng mga daan para sa kanila,
Gaya ng taong pagala-gala* sa ilang.
Patuloy mong dinurumhan ang lupain
Ng iyong prostitusyon at kasamaan.+
5 Tama bang magalit magpakailanman,
O manatiling may hinanakit?’
Iyan ang sinasabi mo,
Pero ginagawa mo pa rin ang lahat ng kasamaang kaya mong gawin.”+
6 Noong panahon ni Haring Josias,+ sinabi ni Jehova sa akin: “‘Nakita mo ba kung ano ang ginawa ng di-tapat na Israel? Pumunta siya sa bawat mataas na bundok at sa ilalim ng bawat mayabong na puno para ibenta ang sarili.+ 7 Kahit ginawa niya ang lahat ng ito, paulit-ulit kong sinabi sa kaniya na bumalik siya sa akin,+ pero hindi siya bumalik; at patuloy na tinitingnan ng Juda ang taksil niyang kapatid.+ 8 Nang makita ko iyon, pinaalis ko ang di-tapat na Israel na may kasulatan ng diborsiyo+ dahil nangalunya siya.+ Pero hindi natakot ang Juda na taksil niyang kapatid; lumabas din ito at ibinenta ang sarili.+ 9 Hindi siya nabahala sa pagbebenta niya ng sarili, at patuloy niyang dinumhan ang lupain at nangalunya siya sa mga bato at mga puno.+ 10 Sa kabila ng lahat ng ito, ang Juda na taksil niyang kapatid ay hindi bumalik sa akin nang buong puso, kundi pakunwari lang,’ ang sabi ni Jehova.”
11 Pagkatapos ay sinabi sa akin ni Jehova: “Mas matuwid pa ang di-tapat na Israel kaysa sa taksil na Juda.+ 12 Pumunta ka sa hilaga at ihayag mo ang mga salitang ito:+
“‘“Manumbalik ka, O suwail na Israel,” ang sabi ni Jehova.’+ ‘“Hindi na ako magagalit sa iyo,+ dahil tapat ako,” ang sabi ni Jehova.’ ‘“Hindi ako maghihinanakit magpakailanman. 13 Pero aminin mo ang kasalanan mo, dahil nagrebelde ka kay Jehova na iyong Diyos. Patuloy kang sumisiping sa mga estranghero* sa ilalim ng bawat mayabong na puno, at hindi ka nakikinig sa tinig ko,” ang sabi ni Jehova.’”
14 “Manumbalik kayo, kayong mga anak na suwail,” ang sabi ni Jehova. “Dahil naging tunay na panginoon* ninyo ako; at kukunin ko kayo, isa mula sa isang lunsod at dalawa mula sa isang pamilya, at dadalhin ko kayo sa Sion.+ 15 At bibigyan ko kayo ng mga pastol na tutupad sa kalooban ko,+ at magbibigay sila sa inyo ng kaalaman at kaunawaan. 16 Darami kayo at mamumunga sa lupain sa panahong iyon,” ang sabi ni Jehova.+ “Hindi na nila sasabihin, ‘Ang kaban ng tipan ni Jehova!’ Hindi na nila iyon maiisip, hindi na nila iyon maaalaala o hahanap-hanapin, at hindi na sila gagawa ng isa pang ganoon. 17 Sa panahong iyon ay tatawagin nila ang Jerusalem na trono ni Jehova;+ at ang lahat ng bansa ay titipunin sa Jerusalem para pumuri sa pangalan ni Jehova,+ at hindi na sila magmamatigas sa pagsunod sa masama nilang puso.”
18 “Sa panahong iyon ay lalakad silang magkasama, ang sambahayan ng Juda at ang sambahayan ng Israel,+ at mula sa lupain ng hilaga ay magkasama silang pupunta sa lupaing ibinigay ko sa mga ninuno ninyo bilang mana.+ 19 Iniisip ko noon, ‘Itinulad kita sa mga anak kong lalaki at ibinigay ko sa iyo ang kanais-nais na lupain, ang pinakamagandang mana sa mga bansa!’*+ Iniisip ko ring tatawag kayo sa akin, ‘Ama ko!’ at hindi ninyo ako tatalikuran. 20 ‘Pero gaya kayo ng taksil na asawang babae na umiwan sa asawa* niya, O sambahayan ng Israel. Pinagtaksilan ninyo ako,’+ ang sabi ni Jehova.”
21 Sa tuktok ng mga burol ay may narinig,
Ang paghagulgol at pagsusumamo ng bayang Israel,
Dahil lumihis sila ng landas;
Nilimot nila si Jehova na kanilang Diyos.+
22 “Manumbalik kayo, kayong mga anak na suwail.
Pagagalingin ko kayo sa inyong pagkasuwail.”+
“Narito kami! Lumapit kami sa iyo,
Dahil ikaw, O Jehova, ang aming Diyos.+
23 Talagang walang saysay ang mga burol at ang pag-iingay sa mga bundok.+
Talagang si Jehova na aming Diyos ang kaligtasan ng Israel.+