Levitico
5 “‘Kung ang isang tao* ay magkasala dahil narinig niyang may panawagan sa publiko na tumestigo*+ pero hindi niya ipinaalám ang pagkakasala kahit na isa siyang saksi o nakita niya iyon o nalaman niya ang tungkol dito, mananagot siya sa kasalanan niya.
2 “‘O kapag ang isang tao* ay nakahipo ng anumang marumi, bangkay man ito ng maruming mailap na hayop, maruming maamong hayop, o maruming hayop na nagkukulumpon,*+ siya ay marumi at nagkasala kahit hindi niya iyon alam. 3 O kung mahipo ng sinuman ang karumihan ng isang tao+—anumang karumihan na puwedeng magparumi sa kaniya—kahit hindi niya iyon alam noong una pero nalaman din niya nang maglaon, siya ay nagkasala.
4 “‘O kung ang sinuman ay nagpadalos-dalos sa panunumpa na gawin ang isang bagay—mabuti man iyon o masama, anuman iyon—pero naisip niya nang maglaon na naging padalos-dalos siya sa panunumpa, siya ay nagkasala.*+
5 “‘Kung magawa niya ang isa sa mga kasalanang iyon, dapat niyang ipagtapat+ kung ano ang naging kasalanan niya. 6 Dadalhin din niya kay Jehova ang kaniyang handog para sa pagkakasala dahil sa nagawa niyang kasalanan,+ isang babaeng kordero* o isang batang babaeng kambing mula sa kawan, bilang handog para sa kasalanan. Pagkatapos, ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya dahil sa kasalanan niya.
7 “‘Pero kung hindi niya kayang maghandog ng isang tupa, dapat siyang magdala kay Jehova ng dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati+ bilang handog para sa pagkakasala, isa bilang handog para sa kasalanan at isa bilang handog na sinusunog.+ 8 Dadalhin niya ang mga iyon sa saserdote; unang ihahandog ng saserdote ang handog para sa kasalanan at gigilitan ang leeg nito nang hindi pinuputol ang ulo nito. 9 Tutuluan niya ng dugo ng handog para sa kasalanan ang gilid ng altar, pero ang matitirang dugo ay patutuluin niyang mabuti sa paanan ng altar.+ Iyon ay handog para sa kasalanan. 10 Ihahandog niya ang isa pa bilang handog na sinusunog ayon sa itinakdang paraan;+ at ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya dahil sa kasalanan niya, at mapatatawad siya.+
11 “‘Kung hindi niya kayang magbigay ng dalawang batubato o dalawang inakáy ng kalapati, dapat siyang maghandog para sa kasalanan niya ng ikasampu ng isang epa*+ ng magandang klase ng harina bilang handog para sa kasalanan. Hindi niya ito dapat lagyan ng langis o olibano, dahil iyon ay handog para sa kasalanan. 12 Dadalhin niya iyon sa saserdote, at ang saserdote ay kukuha ng sandakot bilang alaalang handog* at pauusukin iyon sa altar, sa ibabaw ng mga handog kay Jehova na pinaraan sa apoy. Iyon ay handog para sa kasalanan. 13 Ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya dahil sa kasalanan niya, alinman sa mga kasalanang ito, at mapatatawad siya.+ Ang matitira sa handog ay mapupunta sa saserdote,+ gaya ng handog na mga butil.’”+
14 Sinabi pa ni Jehova kay Moises: 15 “Kung ang sinuman ay gumawi nang di-tapat dahil sa di-sinasadyang pagkakasala laban sa mga banal na bagay ni Jehova,+ dapat siyang magdala kay Jehova ng isang malusog na lalaking tupa mula sa kawan bilang handog para sa pagkakasala;+ ang halaga nito sa siklong* pilak ay ayon sa siklo ng banal na lugar.*+ 16 At dahil sa kasalanang nagawa niya laban sa banal na lugar, babayaran din niya ang halagang iyon at magdaragdag pa siya ng sangkalima* ng halaga nito.+ Ibibigay niya iyon sa saserdote, para ang saserdote ay makapagbayad-sala+ para sa kaniya sa pamamagitan ng lalaking tupa na handog para sa pagkakasala, at mapatatawad siya.+
17 “Kung ang sinuman ay magkasala dahil sa paggawa ng alinman sa mga ipinagbabawal ni Jehova, kahit hindi niya ito alam, nagkasala pa rin siya at mananagot sa kasalanan niya.+ 18 Dapat siyang magdala sa saserdote ng isang malusog na lalaking tupa mula sa kawan ayon sa tinatayang halaga, bilang handog para sa pagkakasala.+ At ang saserdote ay magbabayad-sala para sa kaniya dahil sa pagkakamali na nagawa niya nang hindi niya nalalaman, at mapatatawad siya. 19 Iyon ay handog para sa pagkakasala. Siya ay talagang nagkasala kay Jehova.”