Ang Awit ni Solomon
7 “Napakaganda ng mga paa mo sa iyong mga sandalyas,
O kapuri-puring dalaga!
Ang hugis ng mga hita mo ay gaya ng mga palamuti
Na gawa ng dalubhasang manggagawa.
2 Ang pusod mo ay isang bilog na mangkok.
Huwag nawa itong maubusan ng tinimplahang alak.
Ang tiyan mo ay isang bunton ng trigo,
Na napapalibutan ng mga liryo.*
4 Ang leeg mo+ ay gaya ng toreng garing.*+
Ang mga mata mo+ ay gaya ng mga imbakan ng tubig sa Hesbon,+
Na nasa tabi ng pintuang-daan ng Bat-rabim.
Ang ilong mo ay gaya ng tore ng Lebanon,
Na nakatanaw sa Damasco.
Ang hari ay nabighani sa* nakalugay mong buhok.
6 Napakaganda mo, at talagang kaakit-akit ka;
O mahal kong babae, walang katulad ang ibinibigay mong saya!
8 Sinabi ko, ‘Aakyat ako sa puno ng palma
Para mahawakan ang mga kumpol ng bunga nito.’
Ang dibdib* mo ay maging gaya nawa ng mga kumpol ng ubas,
At ang hininga mo ay maging kasimbango ng mansanas,
9 At ang bibig* mo ay maging gaya ng pinakamagandang klase ng alak.”
“Humagod nawa ito nang suwabe para sa sinta ko
At unti-unting dumampi sa mga labi ng natutulog.
12 Bumangon tayo nang maaga at magpunta sa mga ubasan
Para tingnan kung sumibol* na ang punong ubas,
Kung namukadkad na ang mga bulaklak,+
Doon ko ipapakita ang pagmamahal ko sa iyo.+
13 Nalalanghap na ang bango ng mga mandragoras;+
Nasa mga pintuan natin ang iba’t ibang klase ng piling mga bunga.+
Ang mga bagong-pitas at mga pinatuyo*
Ay itinabi ko para sa iyo, O sinta ko.