Ikalawang Samuel
12 Kaya isinugo ni Jehova si Natan+ kay David. Pinuntahan niya ito+ at sinabi: “May dalawang lalaki sa isang lunsod, ang isa ay mayaman at ang isa ay mahirap. 2 Napakaraming tupa at baka ng taong mayaman;+ 3 pero ang taong mahirap ay may iisang maliit na babaeng kordero,* na binili niya.+ Inalagaan niya ito, at lumaki itong kasama niya at ng mga anak niya. Kumakain ito mula sa kaunting pagkaing mayroon siya, umiinom mula sa kopa niya, at natutulog sa bisig niya. Naging parang anak na niya ito. 4 Nang maglaon, may bumisita sa taong mayaman, pero ayaw niyang kumuha mula sa sarili niyang mga tupa at mga baka para ihain sa manlalakbay na bumisita sa kaniya. Sa halip, kinuha niya ang babaeng kordero ng taong mahirap at inihain iyon sa lalaking bumisita sa kaniya.”+
5 Nagalit nang husto si David sa taong iyon, at sinabi niya kay Natan: “Isinusumpa ko, kung paanong buháy si Jehova,+ dapat mamatay ang taong gumawa nito! 6 At dapat siyang magbayad ng apat na kordero kapalit ng korderong kinuha niya,+ dahil ginawa niya ito at hindi siya naawa.”
7 Sinabi ni Natan kay David: “Ikaw ang taong iyon! Ito ang sinabi ni Jehova na Diyos ng Israel: ‘Ako mismo ang nag-atas* sa iyo bilang hari ng Israel,+ at iniligtas kita mula sa kamay ni Saul.+ 8 Ibinigay ko sa iyo ang sambahayan ng iyong panginoon+ at inilagay ang mga asawa ng iyong panginoon+ sa bisig mo, at ibinigay ko sa iyo ang sambahayan ng Israel at ng Juda.+ At kung hindi pa sapat ang mga iyon, handa kong gawin ang higit pa para sa iyo.+ 9 Bakit mo hinamak ang salita ni Jehova at ginawa ang masama sa paningin niya? Pinabagsak mo si Uria na Hiteo sa pamamagitan ng espada!+ Pagkatapos, kinuha mo bilang asawa ang asawa niya+ matapos mong patayin si Uria sa pamamagitan ng espada ng mga Ammonita.+ 10 Ngayon, hindi kailanman iiwan ng espada ang sarili mong sambahayan,+ dahil hinamak mo ako nang kunin mo bilang asawa ang asawa ni Uria na Hiteo.’ 11 Ito ang sinabi ni Jehova: ‘Magdadala ako ng kapahamakan sa iyo mula sa sarili mong sambahayan;+ at sa harap mo mismo, kukunin ko ang mga asawa mo at ibibigay sa ibang lalaki,*+ at lantaran niyang sisipingan ang mga asawa mo.+ 12 Palihim kang kumilos,+ pero lantaran ko itong gagawin sa harap ng buong Israel.’”
13 Sinabi ni David kay Natan: “Nagkasala ako kay Jehova.”+ Sinabi naman ni Natan kay David: “Pinatatawad* ni Jehova ang kasalanan mo.+ Hindi ka mamamatay.+ 14 Pero dahil nilapastangan mo si Jehova sa ginawa mo, ang anak mong lalaki na kasisilang pa lang ay tiyak na mamamatay.”
15 Pagkatapos, umuwi si Natan sa bahay niya.
At sinaktan ni Jehova ang bata na ipinanganak ng asawa ni Uria kay David, at ito ay nagkasakit. 16 Nakiusap si David sa tunay na Diyos para sa bata. Nag-ayuno si David. Pumapasok siya sa kuwarto niya at humihiga sa sahig nang buong magdamag.+ 17 Kaya ang matatandang lalaki ng sambahayan niya ay tumayo sa tabi niya para ibangon siya mula sa sahig, pero tumanggi siya at hindi kumaing kasama nila. 18 Nang ikapitong araw ay namatay ang bata, pero natatakot ang mga lingkod ni David na sabihin sa kaniyang patay na ang bata. Sinabi nila: “Noong buháy pa ang bata at nakipag-usap tayo sa kaniya, hindi siya nakinig sa atin. Kaya paano natin sasabihin sa kaniya na patay na ang bata? Baka kung ano ang gawin niya.”
19 Nang makita ni David na nagbubulungan ang mga lingkod niya, naisip niyang patay na ang bata. Tinanong ni David ang mga lingkod niya: “Patay na ba ang bata?” Sumagot sila: “Patay na siya.” 20 Kaya tumayo si David mula sa sahig. Naligo siya, nagpahid ng langis,+ nagpalit ng damit, at pumunta sa bahay+ ni Jehova para sumamba.* Pagkatapos, umuwi siya sa bahay* niya at humiling na dalhan siya ng pagkain, at kumain siya. 21 Tinanong siya ng mga lingkod niya: “Bakit ganoon? Noong buháy pa ang bata, nag-ayuno ka at umiyak nang umiyak; pero nang mamatay ang bata, tumayo ka at kumain.” 22 Sumagot siya: “Noong buháy pa ang bata, nag-ayuno ako+ at umiyak nang umiyak dahil iniisip ko, ‘Baka maawa sa akin si Jehova at hayaan niyang mabuhay ang bata.’+ 23 Ngayong patay na siya, bakit pa ako mag-aayuno? Maibabalik ko pa ba siya?+ Pupunta ako sa kaniya,+ pero hindi siya babalik sa akin.”+
24 Pagkatapos, inaliw ni David ang asawa niyang si Bat-sheba.+ Pinuntahan niya ito at sumiping dito. Nang maglaon, nanganak si Bat-sheba ng isang lalaki, at pinangalanan itong Solomon.*+ At minahal ito ni Jehova,+ 25 at nagpadala siya ng mensahe sa pamamagitan ng propetang si Natan+ na pangalanan itong Jedidias,* alang-alang kay Jehova.
26 Si Joab ay patuloy na nakipaglaban sa Raba+ ng mga Ammonita,+ at nabihag niya ang maharlikang lunsod.*+ 27 Kaya nagsugo si Joab ng mga mensahero kay David at nagsabi: “Nakipaglaban ako sa Raba,+ at nabihag ko ang lunsod ng mga tubig.* 28 Tipunin mo ngayon ang iba pang sundalo at palibutan mo ang lunsod at sakupin mo iyon. Kung hindi, ako ang makasasakop sa lunsod, at sa akin mapupunta ang papuri.”*
29 Kaya tinipon ni David ang lahat ng sundalo at pumunta sa Raba at nakipaglaban doon at binihag iyon. 30 Pagkatapos, kinuha niya ang korona ni Malcam mula sa ulo nito. Ito ay may bigat na isang talento* ng ginto at may mamahaling mga bato, at inilagay ito sa ulo ni David. Kumuha rin siya ng napakaraming samsam+ mula sa lunsod.+ 31 At kinuha niya ang mga tagaroon at pinaglagari sila ng mga bato, pinagtrabaho gamit ang matatalas na kasangkapang bakal at mga palakol na bakal, at pinagawa ng laryo.* Ganito ang ginawa niya sa lahat ng lunsod ng mga Ammonita. Bandang huli, si David at ang lahat ng sundalo ay bumalik sa Jerusalem.