Mga Awit
O Jehova na aking Diyos, napakadakila mo.+
Nadaramtan ka ng dangal at karilagan.+
3 Ang mga biga ng mga silid niya sa itaas ay inilalagay niya sa tubig sa langit,*+
Ginagawa niyang karwahe ang mga ulap,+
At lumalakad siya sa mga pakpak ng hangin.+
4 Ginagawa niyang mga makapangyarihang puwersa* ang mga anghel niya;
Ginagawa niyang lumalamong apoy ang mga lingkod niya.+
6 Dinamtan mo ito ng malalim na tubig.+
Natakpan ng tubig ang mga bundok.
7 Nang sawayin mo sila, tumakas sila;+
Pagkarinig sa tunog ng iyong kulog, nagtakbuhan sila sa takot
8 —Umangat ang mga bundok+ at bumaba ang mga lambak—
Sa lugar na inihanda mo para sa kanila.
9 Nagtakda ka ng hangganan na hindi nila puwedeng lampasan,+
Para hindi na nila muling takpan ang lupa.
11 Naglalaan sila ng tubig para sa lahat ng hayop sa parang;
Napapawi ang uhaw ng maiilap na asno.
12 Sa itaas nila, dumadapo ang mga ibon ng langit;
Umaawit ang mga ito mula sa mayayabong na puno.
13 Dinidilig niya ang mga bundok mula sa mga silid niya sa itaas.+
Nasisiyahan ang lupa sa bunga ng iyong mga gawa.+
14 Pinatutubo niya ang mga damo para sa mga baka
At ang mga pananim para sa mga tao,+
Para magbigay ang lupa ng pagkain
15 At alak na nagpapasaya sa puso ng tao,+
Langis na nagpapaningning ng mukha,
At tinapay na nagpapalakas sa puso ng tao.+
16 Ang mga puno ni Jehova ay nadidiligang mabuti,
Ang mga itinanim niyang sedro ng Lebanon,
17 Na pinamumugaran ng mga ibon.
Ang bahay ng siguana*+ ay nasa mga puno ng enebro.
20 Pinasasapit mo ang kadiliman, at dumarating ang gabi,+
At gumagala ang lahat ng hayop sa kagubatan.
22 Sa pagsikat ng araw,
Nag-aalisan sila at humihiga sa mga lungga nila.
23 Ang tao ay pumupunta sa trabaho niya
At nagpapagal hanggang gabi.
24 Napakarami ng mga gawa mo, O Jehova!+
Lahat ng iyon ay ginawa mo nang may karunungan.+
Ang lupa ay punô ng mga ginawa mo.
25 Naroon ang dagat, na napakalaki at napakalawak,
Punong-puno ng di-mabilang na buháy na nilikha, maliliit at malalaki.+
28 Ang ibinibigay mo sa kanila ay kinukuha nila.+
Binubuksan mo ang kamay mo, at nabubusog sila ng mabubuting bagay.+
29 Kapag itinatago mo ang iyong mukha, nababahala sila.
Kapag inalis mo ang hininga* nila, namamatay sila at bumabalik sa alabok.+
31 Ang kaluwalhatian ni Jehova ay mananatili magpakailanman.
Si Jehova ay magsasaya sa kaniyang mga gawa.+
32 Tinitingnan niya ang lupa, at nayayanig ito;
Hinihipo niya ang mga bundok, at umuusok ang mga ito.+
33 Aawit ako kay Jehova+ sa buong buhay ko;
Aawit ako ng papuri* sa aking Diyos hangga’t nabubuhay ako.+
34 Maging kalugod-lugod nawa sa kaniya ang mga iniisip ko.*
Magsasaya ako kay Jehova.
Pupurihin ko si Jehova. Purihin ninyo si Jah!*