Jonas
3 Dumating ang salita ni Jehova kay Jonas sa ikalawang pagkakataon:+ 2 “Pumunta ka sa Nineve+ na dakilang lunsod, at ihayag mo roon ang sasabihin ko sa iyo.”
3 Kaya sumunod si Jonas sa utos ni Jehova+ at pumunta sa Nineve.+ Ang Nineve ay isang napakalaking lunsod.* Kailangan ng tatlong-araw na paglalakad para malibot ito. 4 Pagkatapos, pumasok si Jonas sa lunsod. Habang naglalakad sa loob ng isang araw, inihahayag niya:* “Apatnapung araw na lang, wawasakin* na ang Nineve.”
5 Kaya ang mga taga-Nineve ay nanampalataya sa Diyos.+ Ang bawat isa sa kanila ay nag-ayuno* at nagsuot ng telang-sako, mayaman at mahirap, bata at matanda. 6 Nang marinig ng hari ng Nineve ang mensahe, tumayo siya mula sa kaniyang trono, hinubad ang maharlikang kasuotan niya, nagsuot ng telang-sako, at umupo sa abo. 7 Naglabas din siya ng utos sa buong Nineve,
“Ito ang utos ng hari at ng kaniyang mga opisyal: Walang tao o hayop, bakahan o kawan, ang puwedeng kumain. Hindi sila dapat kumain o uminom ng anuman. 8 Magsuot sila ng telang-sako, ang tao at hayop; at marubdob silang humingi ng tulong sa Diyos, at talikuran nila ang kanilang masasamang gawain at karahasan. 9 Baka sakaling hindi na ituloy* ng tunay na Diyos ang gusto niyang gawin at humupa ang kaniyang nag-aapoy na galit, nang sa gayon ay hindi tayo mamatay.”
10 Nang makita ng tunay na Diyos ang ginawa nila, kung paano nila tinalikuran ang kanilang masasamang gawain,+ hindi na niya itinuloy* ang parusang sinabi niya.+