Mikas
3 Sinabi ko: “Makinig kayo, pakisuyo, kayong mga ulo ng sambahayan ni Jacob
At kayong mga pinuno ng sambahayan ng Israel.+
Hindi ba dapat ay alam ninyo kung ano ang makatarungan?
2 Pero napopoot kayo sa mabuti+ at iniibig ninyo ang masama;+
Binabalatan ninyo ang bayan ko at inaalis ang laman mula sa mga buto nila.+
3 Kinakain din ninyo ang laman ng aking bayan+
At binabalatan sila,
Binabasag ang kanilang mga buto, dinudurog ang mga ito,+
Gaya ng nasa lutuan,* gaya ng karne sa isang lutuan.
4 Sa panahong iyon, hihingi sila ng saklolo kay Jehova,
Pero hindi niya sila sasagutin.
Itatago niya ang kaniyang mukha mula sa kanila sa panahong iyon,+
Dahil sa masasamang ginagawa nila.+
5 Ito ang sinabi ni Jehova laban sa mga propetang nagliligaw sa aking bayan,+
Na sumisigaw ng ‘Kapayapaan!’+ kapag may mangunguya* ang mga ngipin nila+
Pero nagdedeklara* ng digmaan laban sa hindi nagsusubo ng anuman sa bibig nila:
6 ‘Sasapit ang gabi,+ pero hindi kayo magkakaroon ng pangitain;+
Puro kadiliman lang ang makikita ninyo, at hindi kayo makapanghuhula.
Lulubugan ng araw ang mga propeta,
At ang araw ay magdidilim sa kanila.+
Tatakpan nilang lahat ang kanilang bigote,*
Dahil walang sagot mula sa Diyos.’”
8 Ako naman ay punô ng kapangyarihan sa pamamagitan ng espiritu ni Jehova,
At ng katarungan at kalakasan,
Para sabihin sa Jacob ang paghihimagsik niya at sa Israel ang kasalanan niya.
9 Pakinggan ninyo ito, pakisuyo, kayong mga ulo ng sambahayan ni Jacob
At kayong mga pinuno ng sambahayan ng Israel,+
Na nasusuklam sa katarungan at bumabaluktot sa lahat ng tuwid,+
10 Na nagtatayo sa Sion sa pamamagitan ng pagpatay at sa Jerusalem sa pamamagitan ng kasamaan.+
11 Ang mga lider* niya ay humahatol dahil sa suhol,+
Ang mga saserdote niya ay nagtuturo nang may bayad,+
Pero umaasa sila kay Jehova* at nagsasabi:
“Hindi ba’t nasa panig natin si Jehova?+
Hindi tayo mapapahamak.”+