Isaias
29 “Kaawa-awa ang Ariel,* ang Ariel, ang lunsod kung saan nagkampo si David!+
Magpatuloy kayo taon-taon;
Patuloy ninyong ipagdiwang ang mga taunan ninyong kapistahan.+
2 Pero magdadala ako ng kapahamakan sa Ariel,+
At magkakaroon ng pagdadalamhati at pagtangis,+
At sa akin ay magiging gaya siya ng apuyan ng altar ng Diyos.+
3 Magtatayo ako ng mga kampo sa palibot mo,
At paliligiran kita ng mga bakod na tulos
At papalibutan ng mga harang.+
Magmumula sa lupa ang tinig mo+
Gaya ng tinig ng isang espiritista,
At ang mga salita mo ay magiging gaya ng huni mula sa alabok.
5 Ang marami mong kaaway* ay magiging gaya ng pinong alabok;+
Ang maraming malulupit na kalaban ay magiging gaya ng ipa na tinatangay ng hangin.+
At mangyayari ito sa isang iglap, nang biglaan.+
6 Ililigtas ka ni Jehova ng mga hukbo
Nang may pagkulog at paglindol at malakas na ingay,
Nang may malakas na hangin at bagyo at tumutupok na apoy.”+
7 At ang hukbo ng lahat ng bansang nakikipagdigma sa Ariel+
—Ang lahat ng nakikipagdigma sa kaniya,
Ang mga toreng pandigma laban sa kaniya,
At ang mga nagpapahirap sa kaniya—
Ay magiging gaya ng panaginip, isang pangitain sa gabi.
8 Ang hukbo ng lahat ng bansa
Na nakikipagdigma sa Bundok Sion+
Ay magiging gaya ng taong gutom na kumakain sa panaginip niya
Pero gutom pa rin paggising,
At gaya ng taong uhaw na umiinom sa panaginip niya
Pero pagod at uhaw pa rin paggising.
Lasing sila, pero hindi dahil sa alak;
Sumuray-suray sila, pero hindi dahil sa inuming de-alkohol.
10 Dahil mahimbing kayong pinatulog ni Jehova;+
Ipinikit niya ang mga mata ninyo, ang mga propeta,+
At tinakpan niya ang mga ulo ninyo, ang mga nakakakita ng pangitain.+
11 Ang bawat pangitain ay naging gaya ng selyadong aklat para sa inyo.+ Kapag ibinigay nila ito sa marunong bumasa, at sinabi nila sa kaniya: “Pakibasa mo ito nang malakas,” sasabihin niya: “Hindi ko magagawa, dahil selyado ito.” 12 At kapag ibinigay nila ang aklat sa hindi marunong bumasa, at sinabi nila sa kaniya: “Pakibasa mo ito,” sasabihin niya: “Hindi ako marunong bumasa.”
13 Sinasabi ni Jehova: “Lumalapit sa akin ang bayang ito sa pamamagitan ng bibig nila,
At pinararangalan nila ako sa pamamagitan ng mga labi nila,+
Pero malayong-malayo ang puso nila sa akin;
At ang pagkatakot nila sa akin ay batay sa mga utos ng tao na itinuro sa kanila.+
14 Kaya ako muli ang gagawa ng kamangha-manghang mga bagay sa bayang ito,+
Ng maraming pambihirang bagay;
At maglalaho ang karunungan ng marurunong sa kanila,
At mawawala ang unawa ng matatalino sa kanila.”+
15 Kaawa-awa ang mga gumagawa ng lahat para maitago ang mga plano* nila mula kay Jehova.+
Ginagawa nila sa dilim ang gawain nila
At sinasabi: “Sino ang nakakakita sa atin?
Sino ang nakaaalam sa ginagawa natin?”+
16 Pinipilipit ninyo ang mga bagay-bagay!*
Ang magpapalayok ba ay dapat ituring na gaya ng luwad?+
Masasabi ba ng bagay na ginawa tungkol sa gumawa sa kaniya:
“Hindi niya ako ginawa”?+
At sasabihin ba ng bagay na hinubog tungkol sa humubog sa kaniya:
“Wala siyang alam”?+
17 Kaunting panahon na lang at ang Lebanon ay gagawing isang taniman,+
At ang taniman ay ituturing na isang kagubatan.+
18 Sa araw na iyon, maririnig ng mga bingi ang mga salita ng aklat,
At mula sa kadiliman ay makakakita ang mga bulag.+
19 Ang maaamo ay magsasaya nang husto dahil kay Jehova,
At ang mga dukha ay magagalak dahil sa Banal ng Israel.+
20 Dahil ang malulupit ay mawawala na,
Ang mayayabang ay sasapit sa kawakasan,
At lilipulin ang lahat ng mahihilig gumawa ng masama,+
21 Ang mga nagsasabi ng kasinungalingan para palitawing nagkasala ang iba,
Ang mga naglalagay ng bitag para sa tagapagtanggol* sa pintuang-daan ng lunsod,+
At ang mga gumagamit ng walang-katuturang mga argumento para pagkaitan ng katarungan ang matuwid.+
22 Kaya sa sambahayan ni Jacob ay ito ang sinabi ni Jehova, na tumubos kay Abraham:+
23 Dahil kapag nakita niya ang mga anak niya,
Ang gawa ng mga kamay ko, na nasa gitna niya,+
Pababanalin nila ang pangalan ko;
Oo, pababanalin nila ang Banal ng Jacob,
At magpapakita sila ng matinding paggalang sa Diyos ng Israel.+
24 Ang mga naliligaw ng landas ay makauunawa,
At ang mga nagrereklamo ay tatanggap ng payo.”