Isaias
64 Kung pinunit mo na sana ang langit at bumaba ka,
Para mayanig ang mga bundok dahil sa iyo,
2 Gaya ng pagliyab ng panggatong
At pagkulo ng tubig dahil sa apoy,
Ang pangalan mo ay makikilala ng mga kalaban mo,
At manginginig sa harap mo ang mga bansa!
3 Nang gumawa ka ng kamangha-manghang mga bagay na hindi namin inaasahan,+
Bumaba ka, at nayanig sa harap mo ang mga bundok.+
4 Mula pa noon, walang sinuman ang may narinig o nabigyang-pansin
O nakitang isang Diyos maliban sa iyo,
Na kumikilos para sa mga patuloy na* naghihintay sa kaniya.+
5 Sinasalubong mo ang mga masayang gumagawa ng tama,+
Ang mga umaalaala sa iyo at lumalakad sa mga daan mo.
Nagalit ka, habang patuloy kaming nagkakasala,+
Iyan ang ginawa namin sa mahabang panahon.
Kaya dapat ba kaming maligtas?
6 Lahat kami ay naging gaya ng isang taong marumi,
At ang lahat ng ginagawa naming matuwid ay gaya ng pasador.+
Malalanta kaming lahat na gaya ng dahon,
At tatangayin kami ng mga pagkakamali namin gaya ng hangin.
7 Walang tumatawag sa pangalan mo,
Walang nagsisikap na kumapit sa iyo,
Dahil itinago mo sa amin ang iyong mukha,+
At hinayaan mo kaming malugmok* dahil sa* mga pagkakamali namin.
8 Pero ikaw ang Ama namin, O Jehova.+
9 Huwag kang labis na magalit, O Jehova,+
At huwag mong alalahanin ang pagkakamali namin magpakailanman.
Pakisuyo, tingnan mo kami, dahil lahat kami ay bayan mo.
10 Ang iyong mga banal na lunsod ay naging ilang.
Ang Sion ay naging ilang,
Ang Jerusalem, tiwangwang na lunsod.+
11 Ang aming bahay* ng kabanalan at kaluwalhatian,*
Kung saan pinuri ka ng mga ninuno namin,
Ay sinunog,+
At ang lahat ng bagay na minahal namin ay nawasak.
12 Sa mga bagay na ito ay patuloy ka bang magsasawalang-kibo, O Jehova?
Mananatili ka bang tahimik at hahayaan kaming magdusa nang lubusan?+