Liham sa mga Taga-Roma
15 Kaya tayong malalakas ay dapat na magdala ng mga kahinaan ng hindi malalakas+ sa halip na isipin lang ang sarili natin.+ 2 Palugdan ng bawat isa sa atin ang kapuwa niya para sa ikabubuti at ikatitibay nito.+ 3 Dahil maging ang Kristo ay hindi nagpalugod sa sarili,+ kundi gaya ng nasusulat: “Napunta sa akin ang pang-iinsulto ng mga umiinsulto sa iyo.”+ 4 Ang lahat ng bagay na isinulat noon ay isinulat para matuto tayo,+ at may pag-asa tayo dahil ang Kasulatan+ ay nagbibigay sa atin ng lakas* at tumutulong sa atin na magtiis.*+ 5 Kaya ipagkaloob nawa sa inyo ng Diyos, na nagbibigay ng lakas at tulong para makapagtiis,* ang pag-iisip na katulad ng kay Kristo Jesus, 6 para maluwalhati ninyo nang sama-sama+ at may pagkakaisa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo.
7 Kaya malugod ninyong tanggapin ang isa’t isa+ gaya ng pagtanggap sa inyo ng Kristo+ para sa kaluwalhatian ng Diyos. 8 Sinasabi ko sa inyo, si Kristo ay naging lingkod ng mga tuli+ para mapatunayan na tapat ang Diyos at na totoo ang mga pangako Niya sa kanilang mga ninuno,+ 9 at para luwalhatiin ng ibang mga bansa ang Diyos dahil sa kaniyang awa.+ Gaya ng nasusulat: “Kaya hayagan kitang kikilalanin sa gitna ng mga bansa, at aawit ako ng mga papuri para sa iyong pangalan.”+ 10 Sinabi pa Niya: “Matuwa kayo, mga bansa, kasama ang bayan niya.”+ 11 At sinabi rin: “Purihin ninyo si Jehova, kayong lahat na mga bansa, at purihin nawa siya ng lahat ng bayan.”+ 12 Sinabi rin ni Isaias: “Tutubo ang ugat ni Jesse,+ ang isa na darating para mamahala sa mga bansa;+ sa kaniya aasa ang mga bansa.”+ 13 Dahil nagtitiwala kayo sa Diyos, na nagbibigay ng pag-asa, punuin nawa niya ang inyong puso ng kagalakan at kapayapaan, nang sa gayon ay mapuno kayo ng* pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng banal na espiritu.+
14 Mga kapatid ko, talagang kumbinsido ako na kayo ay punô ng kabutihan at kaalaman at kaya ninyong paalalahanan* ang isa’t isa. 15 Pero sumulat ako sa inyo nang mas deretsahan tungkol sa ilang bagay para paalalahanan kayong muli, dahil sa walang-kapantay na kabaitan na ipinakita ng Diyos sa akin 16 bilang lingkod ni Kristo Jesus para sa ibang mga bansa.+ Nakikibahagi ako sa banal na gawain ng paghahayag ng mabuting balita ng Diyos+ para ang mga bansang ito ay maging kaayaayang handog, na pinabanal sa pamamagitan ng banal na espiritu.
17 Kaya nga may dahilan ako para magsaya dahil alagad ako ni Kristo Jesus at naglilingkod ako sa Diyos. 18 Wala akong ibang sasabihin maliban sa mga bagay na ginawa ni Kristo sa pamamagitan ko para maging masunurin ang ibang mga bansa. Naisagawa niya ito sa pamamagitan ng aking salita at gawa, 19 ng mga tanda at kamangha-manghang mga bagay,+ at ng kapangyarihan ng espiritu ng Diyos. At dahil dito, lubusan kong naipangaral sa Jerusalem ang mabuting balita tungkol sa Kristo+ at lumibot ako hanggang sa Ilirico. 20 Ginawa kong tunguhin na huwag ihayag ang mabuting balita kung saan naipakilala na ang pangalan ni Kristo para hindi ako makapagtayo sa pundasyon ng ibang tao, 21 kundi kumilos ako ayon sa nasusulat: “Makaaalam ang mga taong hindi nakabalita tungkol sa kaniya, at makauunawa ang mga hindi nakarinig.”+
22 Kaya naman maraming beses akong hindi natuloy sa pagpunta sa inyo. 23 Pero ngayon, napangaralan ko na ang lahat ng teritoryo sa mga lugar na iyon, at maraming* taon ko nang inaasam na makapunta sa inyo.+ 24 Kaya kapag papunta na ako sa Espanya, sana ay makita ko kayo at makasama sandali at masamahan din ninyo ako sa simula ng paglalakbay papunta roon. 25 Pero ngayon, pupunta muna ako sa Jerusalem para maglingkod sa mga kapatid* doon.+ 26 Dahil ang mga nasa Macedonia at Acaya ay buong pusong nag-abuloy para sa mahihirap na kapatid* sa Jerusalem.+ 27 Buong puso nilang ginawa iyon, pero ang totoo, nadama rin nilang obligasyon nila iyon; dahil kung nakibahagi sila sa mga bagay na ibinigay ng Diyos sa* mga Judio, dapat silang mag-abuloy para sa materyal na pangangailangan ng mga ito.+ 28 Kaya kapag nagawa ko na ito at naibigay na sa kanila ang abuloy, dadaan ako sa inyo papuntang Espanya. 29 Alam ko rin na kapag nakarating ako sa inyo, makapagdadala ako ng saganang pagpapala mula kay Kristo.+
30 Kaya pinakikiusapan ko kayo, mga kapatid, na dahil sa pananampalataya natin sa Panginoong Jesu-Kristo at dahil sa pag-ibig na bunga ng espiritu, samahan ninyo ako sa marubdob na pananalangin sa Diyos para sa akin,+ 31 para maligtas ako+ mula sa mga di-sumasampalataya sa Judea at para tanggapin ng mga kapatid* sa Jerusalem ang tulong na dala ko para sa kanila;+ 32 nang sa gayon, kung loobin ng Diyos, masaya akong makarating sa inyo at mapatibay natin ang isa’t isa. 33 Sumainyo nawang lahat ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.+ Amen.