Oseas
5 “Pakinggan ninyo ito, mga saserdote,+
Magbigay-pansin kayo, O sambahayan ng Israel,
Makinig kayo, O sambahayan ng hari,
Dahil para sa inyo ang hatol;
Dahil kayo ay isang bitag sa Mizpa
At isang lambat na nakalatag sa ibabaw ng Tabor.+
3 Kilala ko ang Efraim,
At hindi makapagtatago sa akin ang Israel.
4 Dahil sa pakikitungo nila, hindi sila makapanunumbalik sa Diyos nila,
Dahil gusto nilang makiapid;+
At hindi nila kinikilala si Jehova.
5 Ang pagmamataas ng Israel ay naging ebidensiya laban sa kaniya;*+
Ang Israel at Efraim ay natisod dahil sa kasalanan nila,
At ang Juda ay natisod kasama nila.+
6 Hinanap nila si Jehova kasama ang kanilang kawan at bakahan,
Pero hindi nila siya nakita.
Lumayo siya sa kanila.+
Kaya mauubos sila sa loob ng isang buwan pati na ang mga lupain* nila.
8 Hipan ninyo ang tambuli+ sa Gibeah, ang trumpeta sa Rama!+
Sumigaw kayo ng hiyaw para sa pakikipagdigma sa Bet-aven+—manguna ka, O Benjamin!
9 O Efraim, matatakot ang mga tao dahil sa mangyayari sa iyo sa araw ng pagpaparusa.+
Ang mangyayari sa mga tribo ng Israel ay inihayag ko na.
10 Ang mga pinuno* ng Juda ay naging gaya ng mga nag-uusod ng hangganan.+
Ibubuhos kong parang tubig ang galit ko sa kanila.
11 Ang Efraim ay nahirapan at nadurog dahil sa hatol sa kaniya,
Dahil determinado siyang sumunod sa kalaban niya.+
12 Kaya ako ay naging gaya ng mapaminsalang insekto sa Efraim
At gaya ng kabulukan sa sambahayan ng Juda.
13 Nang makita ng Efraim ang sakit niya at ng Juda ang sugat nito,
Ang Efraim ay pumunta sa Asirya+ at nagsugo ng mga mensahero sa isang dakilang hari.
Pero hindi ka niya napagaling,
At hindi niya kayang gamutin ang sugat mo.
14 Ako ay magiging gaya ng leon sa Efraim
At gaya ng malakas na leon sa sambahayan ng Juda.
15 Aalis ako at babalik sa sarili kong lugar hanggang sa anihin nila ang bunga ng kasalanan nila,
Kapag nasa kagipitan sila, hahanapin nila ako.”+